600 likes | 4.93k Views
Kasanayan sa Pagsasalita. Pagsasalita. Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas.
E N D
Pagsasalita • Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap • Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas
Kahalagahan ng Pagsasalita • Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita • Nagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng mga tao • Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig • Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan
Pagtatalumpati • Maituturing na isang uri ng sining • Ito ay pinaghandaan bago bigkasin sa madla • Dito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinalakay
Masining na Pagbigkas • Lakas ng Pagbigkas • Bilis ng Pagbigkas • Linaw ng Pagbigkas • Hinto • Kilos at Kumpas
Lakas ng Pagbigkas • Ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng tinig. • Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumigkas Bilis ng Pagbigkas • Ito ay may kinalaman sa bilis o bagal ng pagbigkas na dapat iakma at ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas
Linaw ng Pagbigkas • Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang bigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang ng tamang diin upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na rin dito ang malinaw na pagbigkas ng bawat pantig ng mga salita
Hinto • Ang paghinto ay maaaring matagal sa bawat tuldok o sa katapusan ng bawat pangungusap, samantalang sa kuwit sa loob ng pangungusap ay bahagya ang paghinto Kilos at Kumpas • Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan. • Nakatutulong ito upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at makulay ang pagbigkas
Kasangkapan ng Isang Nagsasalita • Kaalaman sa paksa • Tiwala sa sarili • Tindig • Kasanayan • Lugar • Papel na ginagampanan • Paksa
Kaalaman sa paksa • Magiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos lahat ng detalye tungkol sa paksang pinag-uusapan. Nakapagpapahayag siya ng mga kinakailangang impormasyon lalo na kung may malawak din siyang talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong kanyang ipinahahayag. Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga nakikinig o kausap ay madalas depende sa mga ebidensiya at katibayang pinanghahawakan
Tiwala sa sarili • Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging sa malawak na talasalitaan • Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyur • Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang mga nararapat na pagkakataon upang masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kungdi lalo na sa madla
Tindig • Sa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang at pagiging interesado sa kausap • Lalo itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan, ng nagbibigay ng panayam o lektyur at nagtatalumpati • Madalas na kinikilatis ang nagsasalita sa tanghalan sa kanyang paraan ng pagtindig • Ang pagkilos at pagkumpas ay nasasalig din dito
Kasanayan • Naipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, pagpili ng mga talasalitaang gamitin at maging sa kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapan • Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga ideya • Ang kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig kasabay ang nararapat na kilos at kumpas
Lugar • Nasaan ang nag-uusap?(sa palengke, sa parke, sa eskwelahan) Papel na ginagampanan • Ano ang relasyon ng nag-uusap? (kaibigan vs kaibigan, amo vs utusan, namimili vs nagbibili, mag-asawa, magkasintahan, magkapatid) Paksa • Nosyon o kaisipang pag-uusapan (libangan, hanapbuhay, laro, artista, pagkain, pag-aaral)
Mga Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita • Kahandaan • Kahusayan sa Pagsasalita
Kahandaan • Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang talumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng tagapagsalita • Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig • Dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita: a. kilalanin ang tagapakinig b. isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal • Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig
Kahusayan sa pagsasalita • Madaling maganyak na makinig ang publiko kung mataas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita • Ibinabagay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng kanyang talumpati • Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita
Iba’t ibang uri ng talumpati • Impromptu • Extempore • Isinaulong talumpati • Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
Impromptu • Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda • Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita Extempore • Ayon kay James M. Copeland, ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng exte,pore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas • Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan
Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati • Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lumalampas o kaya’y kulangin sa oras • Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at kongklusyon ay apektado sa itinakdang oras • Ang ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksa • Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang pagtalakay tungkol sa magkaparehong paksa
Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa Isinaulong talumpati • Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati • Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya • Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya • Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan