E N D
Gabay natin, ating sundin... Tumayo kapag tinawag ng guro. Umupo nang maayos at bawasan ang pag-iingay. Lawakan ang pag-iisip at pag-unawa. Aktibong pakikilahok ay panatilihin.
Layunin: Nasusuri ang elehiya batay sa mga elemento nito. (Tema, Tauhan, Tagpuan, at damdamin)
Nasa puso kita... Sumulat ng maikling paglalarawan (3-5 pangungusap) tungkol sa mahal mo sa buhay na labis mong pinahahalagahan. Isulat ang pangalan ng taong ito sa loob ng puso at ilahad ang dahilan kung bakit mo siya pinahahalagahan.
Nasa puso kita..._____________________________________________________________________________________________________________________
Bhutan Land of the Thunder Dragon
Ang bansang Bhutan “Land of the Thunder Dragon” Kilala ang bansang Bhutan sa pagpapakita ng isang napakagandang tradisyon, ang lubusang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Ang bawat pamilyang namatayan ay naglalaan ng panahon para sa paggunita ng kanilang namayapang kaanak.
Tuklasin mo, ang kahulugan ko. 1.Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay - pagkamatay sa murang edad 2.Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga -kalabuan at mga suliraning kinahaharap 3.Walang katapusang pagdarasal. -taimtim na pagdarasal at pag-alala sa minamahal 4.Ang mata’y nawalan ng luha -tapos na ang kalungkutang nadarama 5.Malungkot na lumisan ang tag-araw -mabilis ang mga pangyayari ngunit walang magandang kinalabasan
HALINA’T MAGBASA! “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na isinalin ni Pat V. Villafuerte
Ano ang elehiya? Ang elehiya ay isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa damdamin katulad ng kalungkutan, kasawian o kaligayahan. Dito ay binibigyang parangal ang mga nagawa ng yumao.
Ano ang elehiya? Naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
Katangian ng Elehiya Ito’y tula ng panangis, pag-alala, at pagpaparangal sa mga mahal sa buhay na may himig na matimpi, mapagmuni-muni, at di-masintahin.
Elemento ng Elehiya Tema Ito ay ang pangkabuuang kaisipan ng elehiya. Kongkretong kaisipang maaaring pagbatayan ang karanasan.
Elemento ng Elehiya Tema Habang nakamasid lamang Ang mga batang lansangang nakasama mo nang maraming taon. Silang nangakalahad ang mga kamay Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo. -sipi mula sa “Elehiya Para Kay Ram” ni Pat V. Villafuerte Buhay ng isang batang lansangan o pagharap sa pagsubok sa buhay.
Elemento ng Elehiya Tauhan Taong kasangkot sa tula. Pema,ang imortal na pangalan. Mula sa nilisang nangungulilang tahanan Walang imahe. Walang anino at walang katawan
Elemento ng Elehiya Tagpuan Lugar o panahong pinangyarihan ng tula. Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan, Aklat, talaarawan at iba pa.
Elemento ng Elehiya Damdamin Saloobin o emosyon ng makata Hindi napapanahon! Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay
Fast talk ni Kuya! 1.Sa akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya,” anong elemento ng elehiya napabilang ang salitang kuya? a. Tauhan b. Tagpuan c. Kaugalian d. Simbolo
Fast talk ni Kuya! Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay. 2. Ano ang ipinapahiwatig ng mga linyang ito? a.Pag-iisa b.Paglubog ng araw c.Pagpanaw ng isang tao d.Panibagong araw na darating
Fast talk ni Kuya! 3.Batay sa iyong narinig o nabasang tula, anong panahon o kalagayan ng mga tauhan ang inilahad? a.Kaarawan b.Kamatayan c.Kapanganakan d.Pag-iisang dibdib
Fast talk ni Kuya! Hindi napapanahon! Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay 4. Anong damdamin ang ipinapahiwatig? a.Pagkatuwa b.Pagkalungkot c.Pagkadismaya d.Hindi pagtanggap
Fast talk ni Kuya! 5.Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng elehiya? a.Ito ay tula ng pananangis b.Ito ay tula ng kasiyahan at kagalakan c.Ito ay isang tulang may matimping himig d.Ito ay tula ng pag-aalala at pagpaparangal sa mga mahal sa buhay.
Pag-isipan natin! • Bilang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang sapat na kaalaman sa elehiya? • Sa iyong palagay, bilang kabataan ay masasalamin ba ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo o pagbigkas ng elehiya? Ipaliwanag. • Paano mo mapananatili ang mga akdang pampanitikan sa kabila ng paglaganap ng social media at makabagong panahon?
Sagutin mo! 1.Ano ang pangunahing tema ng akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”? a.Paglisan ng minamahal b.Pagkamatay ng mahal sa buhay c.Pangungulila ng anak sa magulang d.Pag-iwan ng magulang sa kaniyang anak
Sagutin mo! 2.Sino-sino ang mga tauhang nakapaloob sa tulang binasa? a.Pinsan b.Kapitbahay c.Kapatid na babae d.Si Pema at ang may-akda
Sagutin mo! 3.Ang sumusunod ay mga emosyong mararamdaman sa binasang tula, MALIBAN sa: a.Pagluluksa b.Pagkasuklam c.Paghihinagpis d.Pagdadalamhati
Sagutin mo! 4.Ang pagbigkas ng tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ay maaaring nangyari sa tahanan o bahay ng makata. Ang salitang may salungguhit ay napabibilang sa anong elemento ng elehiya? a.Tagpuan b.Mga tauhan c.Mga simbolo d.Wikang ginamit
Sagutin mo! 5.Alin sa sumusunod ang katangian ng elehiya? a.Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal b.Tulang masaya, maligaya, nakagagalak c.Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila d.Tulang panangis, pag-alala, pagpaparangal
Mga tamang sagot: 1. B- Pagkamatay ng mahal sa buhay 2. D- Si Pema at ang may-akda 3. B- Pagkasuklam 4. A- Tagpuan 5. D- Tulang panangis, pag-alala, pagpaparangal
Kasunduan • Magsasaliksik tungkol sa elemento ng elehiyang hindi pa natalakay. (wikang ginamit, kaugalian o tradisyon, at simbolismo)