512 likes | 16.95k Views
Kabanata 22 – Noli Me Tangere. Mga Liwanag at Anino / Dilim. Katanungan. a. ibahagi ang mga imahe na naglalaro sa inyong isipan batay sa mga larawang inyong nakikita
E N D
Kabanata 22 – Noli Me Tangere Mga Liwanag at Anino / Dilim
Katanungan a. ibahagi ang mga imahe na naglalaro sa inyong isipan batay sa mga larawang inyong nakikita b. kung bibigyan kayo ng isang araw para lubusang ma-enjoy ang isa sa mga bagay na makikita sa larawan, anong bagay/pangyayari ito ay bakit? c. ano ang pinagkaiba ng mga bagay/pangyayari na pinagkukuhanan ng kasiyahan ng tao noon kumpara sa ngayon? magbigay ng konkretong halimbawa.
Buod ng Kabanata 22 • Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi. • Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan. • Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Buod ng Kabanata 22 • Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego. • Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo. • Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya. • Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak. • At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.
Gawain Palitang Kuro : Pagpapangkat Panuto : Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto upang magsaliksik sa kasagutan sa mga sumusunod na katanungan, pagkatapos ay bibigyan sila ng tatlo hanggang limang minuto upang iulat ito sa harap ng klase, ang bawat mag-aaral na hindi kabilang sa grupo ay maaaring magtanong o magbigay ng karagdagang insight sa isinagawang ulat ng grupo. Grupo Blg. 1 – Bakit pinamagatang ’Liwanag at Anino’ ang kabanata 22? Sino ang sumasagisag sa liwanag at sino naman ang sa dilim? Patunayan ang sagot. Grupo Blg. 2 – Ipaliwanag ang sanhi ng mga sumusunod : nagpakita ng pagkatakot si Maria Clara kay Padre Salvi nasabi ni Padre Salvi na : ‘Kaylamig ng hangin! kapag sinipon, hindi ito mawawala hanggang tag-init. Hindi ba kayo natatakot na malamigan?’ nakipagkita si Pedro kay C. Ibarra Grupo Blg. 3 – Ang kahulugan ng sinambit ni Padre Salvi na : Kayo ay malaya, mapalad na malaya! Grupo Blg. 4 – Iugnay si Padre Salvi sa mga pari sa kasalukuyan. Sa inyong palagay, sino ang higit na malaya : ang mga pari noon o ang mga pari ngayon? Pangatwiranan ang sagot.
Mga Katanungan • Bakit pinamagatang ‘Liwanag at Anino’ ang kabanatang ito? Sino ang tinutukoy na Liwanag? At sino naman ang Anino? Patunayan ang sagot. • Anu-ano ang mga napuna/napansin ng tao kay Padre Salvi mula nang dumating si Maria Clara sa San Diego? Isa-isahin • Bakit hindi nagawang magalit ni Padre Salvi kay C. Ibarra sa kabila ng nagawa ng huli noong Todos Los Santos? • Iugnay si Padre Salvi sa mga pari ngayon? Sa inyong palagay, sino ang higit na malaya : ang mga pari noon o mga pari ngayon? Ipaliwanag ang sagot.
Mga Karagdagang Tanong 1. Ipaliwanag : Bumubulong ang kanilang mga labi ng mga salitang mas matamis kaysa bulong ng mga dahon at mas mabango pa kaysa hanging puno ng mga bulaklak na gumagala sa hardin. 2. Ano ang gustong sabihin ni Padre Salvi sa pahayag niyang Masuwerte ka at libre ka, libreng libre kay Crisostomo Ibarra? Bakit libreng libre ang binata ayon sa kanya? Hindi ba malaya ang pari? Paghambingin sina Ibarra at Padre Salvi.
Integrasyon Pagsasanay : Isulat sa Notebook Alamin kung sino kina Elias at Ibarra ang naisakatuparan ang hangarin. Magtala ng tiglimang konkretong nagawa Nila Elias at Ibarra. Matapos nito, timbangin kung sino ang Higit na nagtagumpay. Elias Ibarra lipunan kapwa Diyos bayan
Kabanata 23 Ang Pangingisda
Buod • Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangka nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli. • Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Buod - Pagpapatuloy • Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga . • Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. • Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Buod - Pagpapatuloy • Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok. • Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sagwan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya. • Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’
Buod - Pagpapatuloy • Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito. • Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.
Tukuyin Tukuyin : Isulat sa Kuwaderno Panuto : Hanapin sa Hanay B ang tauhang inilalarawan sa Hanay A. Hanay A Hanay B 1. Ina ni Sinang a. Albino 2. mahusay magluto b. Andeng 3. mahusay umawit c. Elias 4. Palaisip d. Ibarra 5. maganda e. Iday 6. masiyahin f. Kapitana Tika 7. nagligtas sa bangkero g. Maria Clara 8. piloto h. Neneng 9. semenarista i. Sinang 10. walang kibo j. Victoria k. buwaya
Sino ang Nagsabi Pagsusuri sa Pahayag Panuto : Suriin ang mga pahayag. Tukuyin kung sinong tauhan sa kabanata ang nagsabi nito. a. Maria Clara b. Sinang c. Albino d. Ibarra e. Elias f. buwaya 1. Di ba dapat may pugad ang mga ito dahil napakasawinpalad kung wala. 2. Siguro ay di kayo gumising nang maaga na kagaya namin! 3. Kulang ka pa talaga sa karanasan. 4. Mapusok kayo, Huwag ninyong bibiruin ang Diyos sa susunod. 5. Sa buong buhay ko ay di pa ako nakakita ng buhay na buwaya. 6. Utang ko sa inyo ang aking buhay. 7. Dapat itali natin ang buwaya sa ating bangka at hilahin! 8. Nagpapatunay rin, na sa buong buhay nitong puno ng kasalanan, hindi kailanman nagsimba ang nadisgrasyang buwaya.
Katanungan : • Paano ipinakita sa kabanata ang pagkakaiba ng mga kababaihan noon at noong panahon ni Tia Isabel at Maria Clara? • Paano ipinakita ng may-akda ang ganda ng kalikasan sa kabanatang ito?
Pag-Uugnay • Paano mo ikukumpara ang piknik sa kabanatang ito sa outing sa kasalukuyang panahon? Ihambing ito batay sa mga sumusunod : • Sasakyang ginagamit • Pananamit • Ikinikilos at pananalita ng mga kasama
Integrasyon Elehiya at Dali Panuto : Ang Elehiya at Dali ay kapwa mga uri ng tulang liriko o pandamdamin. May kinalaman ang elehiya sa guniguni ng kamatayan maging ng kabiguan habang ang dalit ay tulang nagpaparangal sa Dakilang lumikha. Pagsasanay : Tukuyin kung ang mga tagpo ay maaaring gamitin sa pagsulat ng elehiya o dalit. Ihanay ang titik ng mga sagot ayon sa kinabibilangan nitong kolum. 1.Bago tuluyang lumarga ang bangka ni Tiya Isabel ay nag-utos na mag-antanda muna ng krus ang lahat. 2.’Ay, lulubog ba tayo?’ sigaw ng mga babae nang pagsabihan ni Albino si Sinang na tapakang mabuti ang tapal ng butas ng bangka. 3.Kaunting gulo ang sumunod na nangyari nang may pumasok na tubig sa bangka. 4.Ang mga babae ay may luha nang umalog ang bangka bunga ng paghahamok sa ilalim niot..., mapapahamak tayo! 5.Ang pagdalo at pakikinig sa misa ay paglayo sa kapahamakan. Elehiya :___________________________________ Dalit : ________________________________________
Kabanata 24 Sa Gubat
Masuwerte ka Ba? • AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Ang iniisip na gawin ay huwag nang ipagpabukas pa. Ang kutob ay magkakatotoo. Ilagay sa ginagawa ang buong konsentrasyon upang maiwasan ang anumang disgrasya o pagkakamali. Pabor ang paglalakbay lalo kung may kinalaman sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 38, 41 at red. • PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Ang panahon ay umaayon sa pagtuklas ng mga bagay na makatutulong sa trabaho o sarili. Maging bukas ang isip sa mga bagay na makabubuti. Magiging maunlad sa larangan ng negosyo. Iwasan ang masamang bisyo. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 33 at sky blue. • CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Ang pagbabago ng istratehiya ay makapagpapabago sa takbo ng negosyo. Simulan ang pagtitipid at mag-impok. Ang magneto ng pagkatao ay malakas at magagamit sa negosyo. Ipairal sa tuwina ang kahinahunan dahil may mga taong maiksi ang pang-unawa ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 50, 16, 20 at green. • LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Maging maunawain kung ang mga kasamahan ay mabagal kumilos. Ang taglay na karisma ay mabisang sandata na magagamit ngayon. Matutuklasan ang taong may lihim na paghanga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 21 at blue green. • VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Walang magiging balakid sa ibig mangyari. Ang sama ng loob sa minamahal tungkol sa mga bagay sa tahanan ay magkakaroon ng solusyon. Madaling maunawaan at anumang ang iutos ay madaling masusunod. Ang pagbibigay ng payo sa kaibigan o kamag-anak ay magiging mabisa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 34, 37 at white.
Katanungan ? • Ano ang sinasabi ng iyong kapalaran? Ikaw ba ay suwerte o malas sa araw na ito? • Naniniwala ka ba sa sinasabi ng iyong kapalaran? Ipaliwanag ang sagot • Dapat bang maniwala ang isang tao sa sinasabi ng kaniyang kapalaran? • Sa paanong paraan nakakatulong ang ganitong mga kapalaran? Magbigay ng mga konkretong patunay
Buod ng Kabanata 24 Sa gubat idinaos ang masaganang pananghaliang handa ni Crisostomo Ibarra para sa mga kaibigan nila ni Maria Clara at sa ilan pang panauhin. Kabilang sa mga panauhing inanyayahan sina Padre Salvi at ang Alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang makapangyarihan sa San Diego sa pagkawala ng dalawang batang sakristan.
Buod ng Kabanata 24 Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakainitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mga guardia civil. Hinanap nila ang piloto na si Elias dahil sa pagkakagulpi niya kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa lubak na puno ng putik.
Mga Katanungan : • Anu-ano ang natuklasan ninyo sa katauhan ng mga sumusunod na tauhan ng nobela ayon sa nabasa niyo sa kabanata 24? • Maria Clara • Ibarra • Albino • Padre Salvi • Alperes • Piloto / Elias
Pagbubuo ng Kaisipan Panuto : Isulat sa puwang ang tauhang maaangkupan ng salitang naglalarawan sa bawat bilang ayon sa nabasa ninyo sa kabanata 24. Isulat rin ang dahilan kung bakit ang nasabing tauhan na iyon ang sinagot ninyon. Ilagay ang kasagutan sa isang buong papel. _____ 1. selosa _____ 2. isport _____ 3. malakas ang loob _____ 4. mapusok _____ 5. mapagkunwari _____ 6. pabaya sa tungkulin _____ 7. maginoo _____ 8. matapang sa pagtatanggok sa sariling karapatan _____ 9. mapagkawanggawa _____ 10. mapagmahal _____ 11. mapagbanal-banalan _____ 12. payat at marusing _____ 13. mayabang _____ 14. isip-bata _____ 15. maalalalhanin
Paalala 1. Matapos man o hindi ang diskusyon natin sa kabanata 24,33 at 34 ay kasama ito sa inyong Long Test sa darating na Lunes, Feb. 9