580 likes | 4.05k Views
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT. “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao,tumitigil na rin sya sa pag-iisip.” Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng karununungan at kaalaman,mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon.
E N D
“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao,tumitigil na rin sya sa pag-iisip.” Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng karununungan at kaalaman,mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon. MGA BATAYANGKAALAMAN SA PAGSULAT
KAHULUGAN AT KALIKASAN Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan. MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin. Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat. Ayon kina Xing at Jin,ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga elemento. KAHULUGAN AT KALIKASAN
Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika,inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Matuturing na isang mataas na uri ng kominukasyon sapagkat esensyal dito ang napakaraming elemento atc rekwayrment ng gramatika at bokuabularyo. KAHULUGAN AT KALIKASAN
Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon tayong magagawa....napag- aaralanang wasto at epektib na pagsulat. KAHULUGAN AT KALIKASAN
Ayon kay Keller,ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at bekslusib ito sa tao. Isa itong pangngailangan sapagkat ito,kasama ang kasanayang pakikinig,pagbasa at pagsasalita ay may malaking impluwensiya upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining,maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sinuman sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama. KAHULUGAN AT KASANAYAN
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.” KAHULUGAN AT KASANAYAN
SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal. Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng: 1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat? SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal. Anuman ang layunin sa pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Dalawang dimensyon sa pagsulat: 1. Oral Dimensyon 2. Biswal na Dimensyon PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO
DALAWANG DIMENSYON SA PAGSULAT1.ORAL NA DIMENSYONKapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
2. BISWAL NA DIMENSYONAng dimensyong ito ay mahigpit nanauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo. Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.
PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRASTPaghahambing at Pagkokontrast sa Dalawang Dimensyon na halaw kay Badayos
Paghahambing at Pagkokontrast sa dalawang dimensyon na halaw kay Badayos
Paghahambing at Pagkokontrast sa dalawang dimensyon na halaw kay Badayos
Ayon kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa saa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente. MGA PANANAW SA PAGSULAT
Ayon pa kay Murray,ang pagsulat at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit. “Writing is rewriting”. Matapos diumanong magsulat,magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat. MGA PANANAW SA PAGSULAT
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat - “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away,discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials. MGA PANANAW SA PAGSULAT
Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I revise,revise,revise,until every word is what I want. PANANAW SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyunal. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
Isang halimbawa ng ekspresib na pagsulat ang paggawa ng tula ng mga makata.Samantala,ang pag-gawa ng mga liham-pangangalakal ay isang halimbawa ng transaksyunal na pagsulat.TATLONG LAYUNIN NG PAGSULAT(Bernales,et.al)1.impormatib2.mapanghikayat3.malikhain
1.IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
3. MALIKHAING PAGSULAT Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito. TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
MALIKHAING PAGSULATAng pokus dito ay ang manunulat mismo. Wika nga ni Arogante(2000), ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal.
Sa mga kasanayan sa komunikasyon,itinuturing ng lalong marami na pinakamahirap ang pagsulat. Simple ang dahila: sa pagsulat dapat na gamitin ang mga nalalaman sa pakikinig,sa pakikipag-usap at sa pagbabasa. MGA HAKBANG SA PAGSULAT
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NA IMINUNGKAHI PARA MAKATULONG SA PAGSULAT 1. Pumili ng paksang susulatin. Dapat na makabuluhan o mahalaga ang paksa, lalo na para sa mga mambabasa. 2. Pagkuha ng magagamit na mga materyales. Maaaring ang mga impormasyon ay kailangang saliksikin sa mga aklat,babasahin,magasin o peryodiko. MGA HAKBANG SA PAGSULAT
3.Plano ng Pagsulat. Maaaring buuin muna sa papel o sa isip ang paksang susulatin.Story line ang tawag dito. 4. Aktwal na Pagsulat. May ilang paraan ng pagsulat na ginagamit ang mga manunulat.May nagsusulat na nagsisimula sa pag-iisip ng gagamiting pamagat ng akdang susulatin. MGA HAKBANG SA PAGSULAT
5.Pagrerebisa sa Akda. Gaya nang naipahiwatig sa Aktwal na Pagsulat,ang rebisyong gagawin ay ukol sa pagtatama sa mga kamalian,pagbabawas sa mga isipang naisama na hindi dapat isama at pagdaragdag sa nakaligtaang ideya habang isinusulat ang teksto. MGA HAKBANG SA PAGSUSULAT