910 likes | 3.35k Views
Masining na Pagpapahayag. PAMANTAYANG LAYUNIN. Makapagpamalas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan sa mga talinhagang nakapaloob sa mga pahayag. PAMANTAYANG LAYUNIN. Makagagamit ng mga angkop na talinhaga sa pasulat at pasalita. bumabalikwas sa pampang. dumadagundong na pagsabog.
E N D
PAMANTAYANG LAYUNIN Makapagpamalas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan sa mga talinhagang nakapaloob sa mga pahayag
PAMANTAYANG LAYUNIN Makagagamit ng mga angkop na talinhaga sa pasulat at pasalita
SA TABI NG DAGAT Marahang – marahang manaog ka, Irog at kata’y lalakad Maglulunoy katang payapang – payapa sa tabi ng dagat
SA TABI NG DAGAT Di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing sa sakong na wari’y kinuyom na rosas
SA TABI NG DAGAT Manunulay kata habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin;
SA TABI NG DAGAT Patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay hanggang sumapit sa tiping buhangin
SA TABI NG DAGAT Pagdating sa tubig mapapaurong kang parang nangingimi, gaganyakin kata sa nangaroong mga lamang- lati;
SA TABI NG DAGAT Doon ay may tahong talaba’t halaang kabigha-bighani Hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali?
SA TABI NG DAGAT Pagdarapit- hapon kata’y mababalik sa pinanggalingan sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw…
SA TABI NG DAGAT Talagang ganoon; sa dagat man, irog ng kaligayahan, Lahat, pati puso naaagnas ding marahang –marahan.
Pagsusuring Pampanitikan Piliin mo ang kahon na naglalaman ng mga salitang ginamit ng may-akda sa tula na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran.
Pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; Doon ay may tahong, Talaba’t halaang Kabigha-bighani Maglulunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng dagat; Ngunit walang ingay, Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin.
Pagsusuring Pampanitikan Piliin ang larawang-diwa na maaaring mabuo sa iyong isipan sa sumusunod na mga taludtod.
Di na kailangang Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, Ang daliring garing sa sakong na wari’y kinuyom na rosas
Di na kailangang Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, Ang daliring garing sa sakong na wari’y kinuyom na rosas • ang babae ay tin-edyer pa • makinis at maputing babae • babaeng may kutis porselana at busilak sa kaputian • babaeng may makinis na balat at kulay “ivory”
Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin
Manunulay kata, Habang maaga pa, sa isang pilapil Na nalalatagan Ng damong may luha ng mga bituin • Isang bukid sa maaliwalas na umaga • Isang bukid na puno ng hamog ang damuhan • Bukid na punung-puno ng pananim • Bukid na puno ng hamog ang damuhan sa maaliwalas na umaga
Patiyad na tayo Ay maghahabulang simbilis ng hangin Ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin
Patiyad na tayo Ay mangaghahabulang simbilis ng hangin Ngunit walang ingay, Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin • Magsing-irog na tumatakbo sa pinatigas na tubig. • Magsing-irog na marahang tumatakbo sa kumati o bumabang tubig. • Magsing-irog na nagahahabulan sa pinatigas na tubig. • Magsing-irog na mabilis na naghahabulan sa kumati o bumabang tubig.
Ang kanyang mga ngipin ay tila perlas sa kaputian. Siya ay parang nauupos na kandila. Tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkauri na ginagamitan ng tila, paris, gaya, anaki at iba pa
Ang mata niya’y kristal sa kagandahan. Sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng langit sa bayan. Tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkauri na hindi ginagamitan ng mga salitang nagtutulad
Ang mga halaman kung iyong malasin sa katahimi-kan ay nananala-ngin. Pagkakalapat ng talino sa mga bagay na hindi nagtataglay ng talino upang mabuhay, gumanap o magkaisip tulad ng isang tao
Ang ulilang silid ay kay Martha. Ang matapat na pluma ay muli na namang ginamit ng bunsong anak. Inililipat sa mga bagay ang ilang namumukod na pang-uring ginagamit lamang sa tao.
Kung hindi ka susuko, lulutang ka sa dugo Pagpapaal-pas sa haraya (imagination) nang lampas sa isang larawan ng katotohanan
Si Reyna Elizabeth ang nag-mana ng korona. Isang kayumang-gi ang bina-ril saLune-ta. Paggamit ng pangalan ng isang bagay para roon sa isang bagay na ipinahihiwa-tig niyon
Tayo ay magbanat ng buto. Nasa hukay ang isang paa ng isang ba-baeng na-nganganak. Pagbanggit ng bahagi bilang katapat ng kabuuan o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi
Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon. Pang-uuyam sa pamama-gitan ng pagpapahayag na la-ban sa ibig ipakahulu-gan
Kung sino ang bata ay naging matanda; Kung sinong matanda’y siyang naging bata. Pahayag na wari’y salungat o laban sa likas na pagkukuro ngunit nagpapaki-lala ng katotohanan
Ikaw’y iniluwal ng baha sa bundok; hahala-halakhak at susutsut-sutsot Pagkakahawig ng tunog ng salita at ng diwa nito
Huwag kang lumapit, o kapabayaan, lason sa puso ko na ika’y matanaw. Tumatawag o kumakausap sa isang tao o isang bagay na wala o hindi kaharap.