290 likes | 579 Views
Kataga ng Buhay. Marso 2013. « Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya » ( Jn 8,7).
E N D
Kataga ng Buhay Marso 2013
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya» (Jn 8,7).
Habang nagtuturo si Jesus sa templo, ang mga Eskriba at Pariseo ay nagdala ng babaeng nahuling nangangalunya. Sinabi nila kay Jesus, “Inutusan kami sa batas ni Moises na parusahan ng kamatayan ang mga babaeng katulad nito sa pamamagitan ng pagbato. Anong masasabi mo?” (Jn 8:5).
Nais nilang bitagin Siya sa pamamagitan ng tanong na ito. Sa katunayan, kung ipinakita ni Jesus na hindi Siya sang-ayon sa pagbato, maaari nila Siyang akusahan na lumalabag sa batas.
Sapagkat sang-ayon sa batas, ang mga tunay na nakasaksi ang magsisimulang bumato sa nagkasala, pagkatapos ay susunod ang ibang mga tao.
Kung, sa halip, papayagan ni Jesus ang parusang kamatayan, magiging kabaligtaran ito ng Kanyang itinuturo tungkol sa habag ng Diyos sa mga makasalanan.
Subalit si Jesus, na hindi nababahala, ay nakatungo lamang habang nagsusulat sa lupa sa pamamagitan ng Kanyang daliri. Sa katapusan, Siya ay tumayo at nagwika:
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya.» (Jn 8,7).
Nang marinig nila ito, isa-isang umalis ang mga nag-aakusa, simula sa pinakamatanda.
Pagkatapos ay humarap si Jesus sa babae at tinanong siya, “Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?” “Wala, Ginoo,” ang sabi niya. “Hindi rin kita hinuhusgahan”, wika ni Jesus. “Humayo ka, at huwag na muling magkasala” (cf.Jn.8:10-11).
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya.» (Jn 8,7).
Sa mga katagang ito, hindi hangad ni Jesus na magmukhang pinapayagan Niya ang mga maling gawain, katulad ng pangangalunya. Nang sinabi Niya “Humayo ka, at huwag na muling magkasala,” maliwanag Niyang ipinahayag ang kautusan ng Diyos.
Sa halip ay nais ni Jesus na ilantad ang pagpapanggap ng mga nagpapalagay ng kanilang mga sarili bilang hukom ng kanilang kapwang nagkasala, at hindi kinikilala na sila rin ay makasalanan.
Binibigyang-diin ng Kanyang mga salita ang kautusan:”Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba” (Mt 7,1-2).
Sa ganitong paraan, pinatutungkulan din ni Jesus sila na sa ngalan ng batas ay bumabalewala sa mga taong nagkasala at hindi isinasaalang-alang ang pagsisisi na maaaring nararamdaman sa kanilang puso.
Maliwanag ditong ipinapakita ang saloobin ni Kristo sa isang nagkasala: Siya ay mahabagin.
Kagaya ng sinabi ni San Agustin, nang lumayo ang mga humuhusga sa nangangalunya, “dalawang tao ang naiwan: ang nangangailangan ng awa at Siya na mismong Awa ”.
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya.» (Jn 8,7).
Sa lahat ng ating pakikipag-ugnayan sa kapwa, alalahanin natin na tayo rin ay makasalanan.
Lahat tayo ay nagkasala; at kahit iniisip natin na hindi pa tayo nakakagawa ng mabigat na kasalanan, hindi pa rin natin alam kung paanong ang mga pangyayari ay nakaimpluwensya sa iba, na nagiging dahilan ng kanilang pagbaksak at paglayo sa Diyos.
Hindi natin alam kung paano tayo kikilos kung tayo ang nasa kalagayan nila. Tayo rin ay sumira sa ugnayan ng pagmamahal na nakalaan upang pag-isahin tayo sa Diyos. Hindi tayo naging tapat sa Kanya.
Kung si Jesus, na sadyang walang kasalanan, ay hindi naghagis ng bato sa babaeng nangangalunya, tayo man ay walang karapatang humusga sa iba.
Dapat tayong magkaroon ng habag sa lahat, labanan ang mga udyok na nagtutulak sa atin na manghusga ng walang awa. Kailangan nating matutong magpatawad at lumimot.
Huwag nating itago ang mga bakas ng paghuhusga o sama ng loob sa ating mga puso sapagkat dito magmumula ang galit at pagkamuhi na maglalayo sa atin sa iba. Kailangan nating makitang “bago” ang bawat tao sa bawat sandali.
Kung ang ating puso ay puno ng pagmamahal at habag para sa iba, sa halip na paghuhusga at pagbatikos, matutulungan natin ang iba na magsimula ng bagong buhay at magkaroon ng tapang na magsimulang muli.
«Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang maunang bumato sa kanya.» Isinulat ni: Chiara Lubich