200 likes | 489 Views
Kataga ng Buhay. Mayo 2012. « Ako’y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa, at hangarin ko na ito sana’y magdingas! » (Lk 12:49).
E N D
Kataga ng Buhay Mayo 2012
«Ako’y naparito upang maglagay ng apoy salupa, at hangarin ko na ito sana’y magdingas!» (Lk 12:49)
Ayon sa Kautusan ng mga Hudyo, ang apoy ay sumasagisag sa salita ng Diyos na ipinahayag ng mga propeta. Ngunit ito rin ay nangangahulugan ng banal na paghuhukom na nagpapadalisay sa sambayanan ng Diyos na dumadaan sa kanilang gitna.
Ganito rin ang masasabi natin tungkol sa salita ni Jesus: Ito’y nagtataguyod, ngunit kasabay nito, winawasak din ang lahat ng walang kabuluhan, ang lahat ng dapat nawala, ang lahat ng kahambugan upang tanging katotohanan lamang ang maiwan.
Ayon kay Juan Bautista: Siya (si Jesus) ang magbibinyag sa inyo sa pamamagitan ng “Espiritu Santo at Apoy” . Ibinubunyag nito ang Kristiyanong pagbibinyag na itinalaga sa araw ng Pentekostes sa pamamagitan ng pag-uumapaw ng Espiritu Santo at ng paglitaw ng hiwa-hiwalay na dilang apoy.
Ito ang misyon ni Jesus: Ang maghasik ng apoy sa mundo, dalhin ang Espiritu Santo kasama ang kanyang nagpapanibago at nagpapadalisay na lakas.
«Ako’y naparito upang maglagay ng apoy salupa, at hangarin ko na ito sana’y magdingas!» (Lk 12:49)
Ibinibigay sa atin ni Hesus ang Espiritu, ngunit paano kumikilos ang Espirito Santo?
Pinupuno niya tayo ng pagmamahal at nais niya na manatili ang pagmamahal na ito na nagniningas sa ating mga puso.
Anong uri ng pagmamahal ito? Hindi ito makamundo o may hangganang uri ng pagmamahal. Ito ang pagmamahal na binabanggit ng Ebanghelyo. Ito ay panlahatang pag-ibig, katulad ng Ama sa langit na nagpapasikat ng araw at nagpapabagsak ng ulan sa mga mabubuti at masasama, pati na rin sa ating mga kaaway.
Ito ay pagmamahal na hindi naghihintay sa iba na gumawa ng unang hakbang, bagkus ito ang nagkukusa na maunang magmahal.
Ito ay pagmamahal na marunong makiisa sa bawat tao: sa kanilang pagdurusa at kasiyahan, nakikibahagi sa kanilang mga suliranin at pag asa, at kung kinakailangan, ginagawa ito sa kongkretong paraan, may kasamang paggawa, kaya hindi ito pagmamahal na nadarama at ipinapahayag sa salita lamang .
Ito ay pagmamahal kay Hesus sa ating kapwa, bilang pag-alala sa mga sinabi ni Jesus “ginawa ninyo ito para sa akin” Ito ay pagmamahal na humahantong sa tugunan, sa pagmamahalan.
Dahil ang pagmamahal na ito ay nakikita at kongkretong pagpapahayag ng ating buhay batay sa Ebanghelyo, nagbibigay diin ito at nagpapatunay sa salita na maari at dapat nating ihandog upang ma-ipahayag ang Ebanghelyo.
«Ako’y naparito upang maglagay ng apoy salupa, at hangarin ko na ito sana’y magdingas!» (Lk 12:49)
Ang pagmamahal ay parang apoy ang mahalaga ay panatilihin ang apoy na nagliliyab, kaya kailangang ito ay may palagiang sinusunog.
Una sa lahat kailangan nitong sunugin ang ating pagkamakasarili, at mangyayari ito sa pamamagitan ng pagmamahal, dahil nakatuon tayo sa labas ng ating sarili, sa Diyos, sa pagsunod sa kanyang kalooban, o sa ating kapwa, sa pagtulong sa kanila.
Kahit isang maliit na apoy, kung patuloy itong pagliliyabin, ay maaaring maging isang malaking lingas ng pagmamahal, kapayapaan, at pangkalahatang kapatiran na dala ni Jesus sa mundo.
«Ako’y naparito upang maglagay ng apoy salupa, at hangarin ko na ito sana’y magdingas!» (Lk 12:49) Isinulat ni : Chiara Lubich