1 / 28

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Hunyo 2012. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.” (Jn 6,27).

kendra
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. KatagangBuhay Hunyo2012

  2. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.” (Jn 6,27)

  3. Matapos mapakain ang maraming tao malapit sa dagat ng Galilea sa pamamagitan ng pagpaparami ng tinapay at isda, tumawid si Jesus sa lawa patungong Capernaum upang takasan ang mga tao na nagnanais na gawin siyang hari. Ngunit marami pa rin ang naghanap sa kanya at siya ay natagpuan nila.

  4. Gayunpaman, tinanggihan ni Jesus ang masigasig ngunit makasarili nilang hangarin. Kumain sila ng mapaghimalang tinapay, ngunit nakita lamang nila sa pangyayaring ito ang kanilang makasarili at pang-materyal na kapakinabangan.

  5. Hindi nila naunawaan ang mas malalim na kahulugan ng tinapay na iyon: na si Hesus ang ipinadala ng Ama upang magbigay ng tunay na buhay sa mundo.

  6. Para sa kanila si Jesus ay isa lamang kahanga-hangang manggagawa, Mesiyas na galing sa mundo na may kakayahang magbigay ng nag-uumapaw na pagkain sa murang halaga. Kaya’t sinabi ni Jesus sa kanila:

  7. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.»

  8. Ang pagkaing hindi nasisira ay si Jesus at ang kanyang mga aral, dahil si Jesus at ang kanyang mga aral ay iisa.

  9. Kung babasahin nating mabuti, makikita natin na ang “pagkaing hindi nasisira” ay maihahalintulad sa katawan ni Jesus sa Eukaristiya.

  10. Dahil dito, masasabi natin na ang pagkaing ‘di nasisira ay si Hesus, na ibinibigay ang kanyang sarili sa atin sa kanyang salita at sa Eukaristiya.

  11. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.»

  12. Madalas gamitin sa Biblia ang simbolo ng tinapay at tubig. Sinasagisag nito ang pangunahin at mahalagang pagkain ng tao.

  13. Sa pagtukoy sa kanyang sarili bilang tinapay, pinatunayan ni Jesus na siya at ang kanyang mga aral ay napakahalaga sa ating buhay katulad ng ang tinapay ay mahalaga sa ating katawan.

  14. Bilang pagkain, ang tinapay ay tunay na mahalaga. Kahit si Jesus ay gumawa ng himala upang pakainin ang mga tao ng tinapay. Ngunit ito ay hindi sapat.

  15. Taglay ng bawat tao sa kanyang sarili- na marahil hindi niya lubos na namamalayan- ang pagkagutom sa katotohanan, katarungan, kabutihan, pagmamahal, kadalisayan, liwanag, kapayapaan at kasiyahan; ang pagkagutom sa walang hanggan na walang anumang bagay sa mundo ang makakapuno.

  16. Iniaalay ni Jesus ang kanyang sarili bilang tanging makakapuno ng gutom na ito sa ating kalooban.

  17. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.»

  18. Sa pagpapakilala ng kanyang sarili bilang “tinapay ng buhay”, hindi lamang pinatutunayan ni Jesus na kailangan natin siya upang busugin ang ating sarili. Dapat tayong maniwala sa kanyang mga salita upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Inaanyayahan niya tayong maranasan siya

  19. sinasabi niya na gumawa para sa pagkaing hindi nasisira. Ipinaaabot niya ang mahigpit na paanyaya na gawin ang lahat ng ating makakaya, gamitin ang bawat posibleng biyaya upang makamit ang pagkaing ito. Hindi ipinipilit ni Jesus ang kanyang sarili sa atin; sa halip ay nais niyang siya’y matuklasan, na siya’y maranasan.

  20. Tunay ngang kung sa ating lakas lamang ay hindi natin kayang abutin si Jesus. Magagawa lamang natin ito sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Gayunpaman, patuloy tayong inaanyayahan ni Jesus na iwanang bukas ang ating kalooban sa biyaya ng kanyang sarili na nais niyang ibigay.

  21. Malinaw na sa pagsusumikap na isabuhay ang kanyang salita, makakamtan natin ang kaganapan ng pananalig sa kanya at “matitikman natin ang kanyang salita” na para bang katulad ng pagkain ng masarap na piraso ng tinapay.

  22. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.»

  23. Ang kataga ng buhay ngayong buwang ito ay hindi nagbibigay-diin sa isang partikular na aspeto ng mga turo ni Kristo tulad ng pagpapatawad sa mga kasalanan, o di pagbibigay pansin sa yaman at iba pa. Sa halip, dinadala tayo nito sa pinakaugat ng buhay-Kristiyano: ang ating personal na ugnayan kay Jesus.

  24. Naniniwala ako na mapapansin ng mga taong nagsimulang magsabuhay ng salita ni Jesus nang may panininindigan- higit sa lahat ang utos na mahalin ang kapwa na siyang kabuuan ng salita ng Diyos at ng lahat niyang kautusan- kahit sa maliit na paraan, na si Jesus ang “tinapay” ng kanilang buhay. Siya ang nagpupuno ng bawat hangarin ng kanilang mga puso. Siya ang bukal ng kaligayahan, ng liwanag.

  25. Sa pagsasabuhay ng salita ng Diyos, naranasan nila na ang kanyang salita ang tunay na tugon sa suliranin ng sangkatauhan at ng mundo. Kung si Jesus, ang “tinapay ng Buhay,” ay nag-aalay ng pinakamataas na paghahandog ng kanyang sarili sa Eukaristiya, magiging kusang loob sa kanila ang tumanggap nito ng may pagmamahal, at mananahan ito sa unang lugar ng kanilang puso.

  26. Hindi natin maitatago ang kamangha-manghang karanasang ito, bagkus tulad ni Jesus na nagnanais na makamtan natin ang “tinapay ng buhay”—dapat natin itong ipahayag sa iba upang marami pang tao ang makatagpo kay Jesus ng hinahanap ng kanilang mga puso.

  27. Ito ay isang napakalaking pagmamahal sa ating kapwa upang mabatid din nila ang tunay na buhay dito sa mundo. At sila din ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ano pa ba ang maaari nating hangarin?

  28. «Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing tumatagal hanggang sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao.»(Jn 6,27) Isinulat ni Chiara Lubich

More Related